LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Kapag Wala Ka Na

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Mababatid mo pa kaya
Ang lalim ng nadarama
Lungkot nitong ating paghihiwalay
Kailangan mong habulin pa minimithi mong adhika
Kapalit naman tayo'y magkawalay

Kapag wala ka na
Yayakapin ko na lang ang alaala
Babaunin ko'ng init ng yakap mo sinta
Kapag wala ka na wala ka na

Alalahanin mo sa'n ka man pumaroon ako'y naririto
Ga'no mang tagal maghihintay pa rin sa'yo
Maaasahan mo asahan mo
Kapag wala ka na

Sapat kaya ang halaga
Nitong paglisan mo sinta
Iisipin ko'ng lahat kapag wala ka na
Ngunit kailangang magtiis
Sa dusa nati't hinagpis
At sa Maykapal na lamang iasa

Kapag wala ka na
Yayakapin ko na lang ang alaala
Babaunin ko'ng init ng yakap mo sinta
Kapag wala ka na wala ka na

Alalahanin mo sa'n ka man pumaroon ako'y naririto
Ga'no mang tagal maghihintay pa rin sa'yo
Maaasahan mo asahan mo

At dalangin ko
Sa 'yong pag-alis
Ikaw ay magtapat

Kapag wala ka na
Yayakapin ko na lang ang alaala
Babaunin ko'ng init ng yakap mo sinta
Kapag wala ka na wala ka na

Alalahanin mo sa'n ka man pumaroon ako'y naririto
Ga'no mang tagal maghihintay pa rin sa'yo
Maaasahan mo asahan mo
Kapag wala ka na

WRITERS

Arnel De Pano

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other