Hesus liwanag ka ng buhay ko
Tanglaw sa dilim ng magdamag
Saang sulok man tingnan sa kalawakan
Kumukutitap ang pagmamahal
Hesus ikaw ang araw ko at buwan
Kung dumidilim at bagyo'y dumaraan
Hinahanap kita't tinatawagan
O Hesus ikaw ang aking lakas
Buhay ko'y sa 'yo lamang nagmumula
Nasaan ka man ako'y paririyan
Kung pa'no labanan ang kahinaan
Dalangin ko't dasal ay iyong pagbigyan
Manaig sa mundo'y kapayapaan
Ako'y bigyang puwang upang mabago
Ang kaharian mo'y pangarap ko
O Hesus ikaw ang aking lakas
Buhay ko'y sa 'yo lamang nagmumula
Nasaan ka man ako'y paririyan
Kung pa'no labanan ang kahinaan
Dalangin ko't dasal ay iyong pagbigyan
Manaig sa mundo'y kapayapaan
O Hesus ikaw ang aking lakas
Buhay ko'y sa 'yo lamang nagmumula
Nasaan ka man ako'y paririyan