Patuloy lang ang ikot ng mundo kahit walang tayo hindi magbabago
Ang nadarama ko at nang puso kahit tumatakbo ka lang sa isipan ko
Ngayong hawak kita ‘di man nadarama
Ngayong hawak kita kahit sa panaginip lamang nakikita
Ayoko nang magising ayoko nang magising kung dito ika’y akin
Palabo ng palabo ang paningin mukhang malapit na akong magising
Pigilan ang ingay sa paligid ayokong may sumingit
Kung pwede lang saglit na lang baka naman
Ngayong hawak kita 'di man nadarama
Ngayong hawak kita kahit sa panaginip lamang nakikita
Ayoko nang magising ayoko nang magising kung dito ika’y akin oh
Ooh at nagmulat na ang aking mga mata napagtanto’ng nananatili lang sa aking ala-ala
Ayokong mang isipin kailangang tanggapin pagbigyan ang aking munting hiling
Ngayong hawak kita 'di man nadarama
Ngayong hawak kita kahit sa panaginip lamang nakikita
Ayoko nang magising ayoko nang magising ayoko nang magising
Ayoko na ayoko na ayoko nang magising
Magkahawak ang kamay tayo ay maglalakbay sa isang lugar na kung saan ika’y nasisilayan
Kahit panaginip lang ayoko nang mawakasan
Kung pwede lang habang buhay nananaginip nalang
Palabo ng palabo tayo ay maglalakbay sa isang lugar na kung saan ika’y nasisilayan
Kahit panaginip lang ayoko nang mawakasan
Kung pwede lang habang buhay nananaginip nalang
Palabo ng palabo tayo ay maglalakbay sa isang lugar na kung saan ika’y nasisilayan