Pagmulat ng mata’y wala nang pagtataka
Puso ay sarado na para sa iba
Kahit na gaano pa kalalim o kababaw ng pag-aawayan
Tahanan ko sa ‘yo pa ring mga mata
Ikaw lang ang sasandalan, sasandalan
Sa bawat bigat ng nararamdaman
Kahit pa mundo ang kalaban mo
Dito lang ako at pipiliin kita
Ikaw rin ang dahilan ng aking pagtataka
Kung bakit sa ’kin ka nahulog at ’di sa iba
Kahit na gaano pa kalalim o kababaw ng pag-aawayan
Tahanan ko sa ‘yo pa ring mga mata
Ikaw lang ang sasandalan, sasandalan
Sa bawat bigat ng nararamdaman
Kahit pa mundo ang kalaban mo
Ikaw pa rin ang pipiliin ko
Sa kabila man ng usap-usapan
Maintindihan, ikaw lang ang laman
Ikaw lang ang sasandalan, sasandalan
Sa bawat bigat ng nararamdaman
Kahit pa mundo ang kalaban mo
Dito lang ako’t pipiliin kita