LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Mula Loob Hanggang Labas

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Tila nananaginip ng gising
Kapag ikaw ang kapiling
Lumulutang ang aking diwa
Tuwing kasama ka, ano'ng saya

Lumulundag ang puso ko
Sa'yong ganda, tumatagos
Mula loob hanggang labas
'Di ka mahihigitan ng sinuman
Sa'yo lamang naramdamang
Ako'y buo't handang lumaban

'Di lang nananaginip
Gagawin natin ang lahat
Sabay pa natin na aabutin
Ang mga pangarap
Matibay tayong magkasama't
Nag-gagabayan
Tuwing lumilipad
Walang kaba

Lumulundag ang puso ko
Sa'yong ganda, tumatagos
Mula loob hanggang labas
'Di ka mahihigitan ng sinuman
Sa'yo lamang naramdamang
Ako'y buo't handang lumaban

Aking mga tinatanong iyong nasagot
Hindi ko hahayaan na tayo'y maudlot
Halika't ating tuwirin ang mga gusot
Biyaya ka ng May Kapal, ikaw ang sagot

Lumulundag ang puso ko
Sa'yong ganda, tumatagos
Mula loob hanggang labas
'Di ka mahihigitan ng sinuman
Sa'yo lamang naramdamang ako'y buo
Handang lumaban

Aking mga tinatanong iyong nasagot
Hindi ko hahayaan na tayo'y maudlot
Halika't ating tuwirin ang mga gusot
Biyaya ka ng May Kapal, ikaw ang sagot

Biyaya ka ng May Kapal, ikaw ang sagot
Biyaya ka ng May Kapal, ikaw ang sagot
Biyaya ka ng May Kapal, ikaw ang sagot
Biyaya ka ng May Kapal, ikaw ang sagot

WRITERS

Vincent Santos

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other