Hayaan mo lang na gumalaw ang mga kamay
Habang magkayakap sa malamig na gabi
Pangakong hindi kita aapakan
Ang damdaming ayaw nang makawala
Kulang nga ang salitang mahal
Hindi ako makaisip ng hihigit sa mahal
Kapag pudpod na ang 'yong mga sapatos
Hindi magdadalwang isip na ikaw ay aakayin
Basta't yakap ka sa madilim na gabi
Pangakong hindi kita aapakan
Ang damdaming ayaw nang makawala
Kulang nga ang salitang mahal
Hindi ako makaisip ng hihigit sa mahal
Hangga't kaya kong ikutin ang mundo
Mananatili ang puso kong bano
At kung magkamali ka man ng hakbang
Hayaan mo lang na gumalaw ang mga kamay
Pangakong hindi kita iiwanan
Ang damdaming ayaw nang makawala
Kulang nga ang salitang mahal
Hindi ako makaisip ng hihigit sa mahal