Kung maibabalik ko lang ang lahat
Kakalimutan ka't hindi na maipapa-alala
Ang lahat ng sakit na pinadama
Buburahin ka at muling magsusulat ng bagong istorya
Hindi naman piniling magka-ganto
Mula sa pinaka-umpisahan ng aking istorya
Sa isang lalakeng masyadong pinagkatiwalaan
Nang tumahak na ng bagong daan
Hinahanap ang sarili at kaligayahan
Unti-unting lumalayo na ang panahon nung ako'y nasaktan ngunit bakit gano'n?
Mula sa pinaka-umpisahan ng aking istorya
Sa isang lalakeng masyadong pinagkatiwalaan
(Kung maibabalik ko lang)
Ngunit hindi na mabubura sa aking istorya
(Mula sa pinaka-umpisahan)
Papadama sayo ang sakit na naranasan
Sana'y hindi malimutan ang ating pinagsamahan
Sana'y hindi nasayang ang
(Sana'y hindi nasayang ang)
Pagbubuhos ko ng buong kaluluwa para sayo
(Pagbibigay ko na ng lahat lahat)
Naka-ilang ulit na ngunit bakit ganto
Nang aking lakas upang mapatawad ka
Isang araw ay gagaan na rin muli ang lahat,
Ooh ooh, ooh, gagaan na muli ang lahat
Oooh, oooh, mapapatawad ka na rin sa wakas.