Dahilan ng bawat pag ngiti
Sigurado't di nagkakamali
Ibang iba kapag kasama ka
Salamat sayong pag dating
Ngayon nagkaliwanag sa Mundo kong madilim
Di ko nga mapaliwanag,para bang na aaning
Basta ikaw tahanang tumalo saking lagim
Nais ka lang mahalin,hangad mo ay hangad ko rin
Sabay tutuparin,humarang ay titibagin
Wala ng nais pa,ngayong Ikaw ay akin na
Di na manghihina,Ikaw ang aking pahinga
Nandito na ,kahit matagal dumating
Salubongin ang yakap mo / at mga lambing
Matutulog ng payapa,masaya at mahimbing
Kampante pag uwe,dahil Ikaw ang aking
Dahilan ng bawat pag ngiti
Sigurado't di nagkakamali
Ikaw parin aking tahanan San man mapuntang Lugar
Di lang pag aalayan,lahat ay isusugal
Ituturing na espesyal,kasi ganon kapagmahal
Iingatan ng mabuti para to ay magtagal
Kahit na nahihiya man sa'yo sarili ko
Pakatandaan mo lamang bawat sasabihin ko
Di masabi ng harapan dinaan sa liriko
Tanging binibini ko,di kana mabibigo
Kapag katabi,pakiramdam ay kampante
Di man masabi,ramdam mo na importante
Parang dyamante,ganun ka elegante
Teka lang te,kanino kalang be?
Mabagal at kalmado lang na nag tapat
Sana Hindi umalat pag sa'yo ay nilahad
Salita ma'y di sapat kilos ko na sasagad
Tinawag kitang tahanan,dahil nasayo lahat
Dahilan ng bawat pag ngiti
Sigurado't di nagkakamali