LyricFind Logo
LyricFind Logo
Sign In
Lyric cover art

Tagumpay ay Isinusulong

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Isang mapulang gabing
Pagtiripon ng mga bayani
Pag-alala sa mga panahong
Tagumpay ay isinusulong

Mula sa maliliit
Na punla ng lipunan
Hanggang sa kadulo-duluhan
Na kasama sa pakikipaglaban

Kilusang masang itinataguyod
Simbigat pa ng bundok

Isulong mo ang pakikidigma
Laban sa karimlan
Isulong mo ang pakikibaka
Tungo sa kalayaan

Pagkakaisa ng masa
Ang pinagmulan ng pwersa
Kayong mga mapagpalaya
Ang bayaning dapat kinikilala

Kilusang masang itinataguyod
Simbigat pa ng bundok

Tutungo sa kanayunan
Pagsisilbihan ang bayan
Tutungo sa kanayunan
Pagsisilbihan ang bayan

Isulong mo ang pakikidigma
Laban sa karimlan
Isulong mo ang pakikibaka
Tungo sa kalayaan

Isulong mo ang pakikidigma
Laban sa karimlan
Isulong mo ang pakikibaka
Tungo sa kalayaan

WRITERS

Khryss Jericho Arañas

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other