Pwede ba tayong dalawa'y mag-usap
May mga bagay na gumugulo sa isipan
Mayron lang naman na katanungan
Bakit ang pag-ibig 'di na umuusad
'Wag na nating pahabain 'tong gabi
'Di na mapipigil luha'y papatak pa rin
Sabi ng puso kakayanin hanggang dulo
Kala'y 'di kayang pakawalan
Hanggang dulo ma'y pinilit
May hangganan din ang pagmamahal
Sinubukan mo akong pakinggan
Kahit na gustong manatili
Kailangan ko pa bang sabihin
'Wag na nating pahabain 'tong gabi
'Di na mapipigil luha'y papatak pa rin
Sabi ng puso kakayanin hanggang dulo
Kala'y 'di kayang pakawalan
Hanggang dulo ma'y pinilit
May hangganan din ang pagmamahal
Sa pag-ibig na wala nang natira
Hanggang dulo ma'y pinilit
May hangganan din ang pagmamahal