LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Hindi Susuko

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Di kakayanin na magpanggap at
Iwasan ang tunay na nararamdaman
Pagkat ikaw ang pinili ng puso hindi ako susuko

Di kakayanin na magpanggap at
Iwasan ang tunay na nararamdaman
Pagkat ikaw ang pinili ng puso hindi ako susuko (bahala na)

Paano nga ba ulit ito sisimulan
Awit na kay tagal ko nang hinintuan
Bahala na kung hindi nila magustuhan
Mahalaga'y masabi ko eksaktong nilalaman

Katinuan hinahanap ko kung nasaan
Nang makilala ka'y hindi ko maintindihan
Ang mga pananaw na aking nilagdaan
Binalewala at ikaw na lamang naging basehan

Masalimuot na bahagi ng pagibig
Ang pagtatalo ng puso at isip
Ayaw mo na sa reyalidad ngunit pagpikit ay kapiling mo pa rin sa panaginip
Tulad natin na palagi ang tampuhan
Pagtatalo na nauuwi sa hiwalayan
Parang may sakit na kalimot pag nagkita't
Nagkayakap lalo na't masimulan pa ang tawanan

Di kakayanin na magpanggap at
Iwasan ang tunay na nararamdaman
Pagkat ikaw ang pinili ng puso hindi ako susuko

Di kakayanin na magpanggap at
Iwasan ang tunay na nararamdaman
Pagkat ikaw ang pinili ng puso hindi ako susuko

Bukas ikaw ang panalo
Mamaya ay ako naman
Sisihan at sagutan walang kinapupuntahan
Isip lang ba'y pambata kaya di magkasundo
Parehas na sitwasyon sa iba kinahinatnan ng sumuko
Ika ng matatanda parte to ng paghahanda
Sa mas mabigat na pagsubok na di natin inakala
Hihigpitan ko pa ang kapit para sakin ang pinakamabigat
Na hamong kakaharapin ay ang mawala ka hindi ko na
Maisip maghanap at ulitin ang lahat ng pangyayari

Di kakayanin na magpanggap at
Iwasan ang tunay na nararamdaman
Pagkat ikaw ang pinili ng puso hindi ako susuko

Di kakayanin na magpanggap at
Iwasan ang tunay na nararamdaman
Pagkat ikaw ang pinili ng puso hindi ako susuko

Mahal kita kahit gaano kagalit
Tuwing bwisit binabalaang pagpapalit
Sa huli sakin ka pa rin dumidikit
Tinig ko lang ang tangi mong nais marinig
Paumanhin kung minsan ay napakakulit
Siyang dahilan bakit ulo mo'y umiinit

Gusto ko lang samantalahin at masulit
Bawat segundo na kasama ka sabay halik
Sa dinami-dami ng anomalya
Tamang hinala saki'y nagpapakaba
Di maiwasan pag sakin ay malayo ka hanggang may magsasabing
Bukambibig mo'y walang iba kundi ako
Wala ka nang ibang hangarin
Maski na tutol lahat ng nakapaligid satin
Anumang gusot ay pagtutulungang ayusin
Basta't sa kinahapunan ikaw ang kasalo ko kumain

Di kakayanin na magpanggap at
Iwasan ang tunay na nararamdaman
Pagkat ikaw ang pinili ng puso hindi ako susuko

Di kakayanin na magpanggap at
Iwasan ang tunay na nararamdaman
Pagkat ikaw ang pinili ng puso hindi ako susuko

WRITERS

DANIEL JADE DIONISIO, RYAN ARMAMENTO

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other