Madaling araw na naman, wala pa rin bang paramdam
Madalas ka yata na ginagabi, walang pasabi kung bakit at kung saan
Di mo rin kasi ako kinikibo simula nung mga araw na dumaan
Kung may problema bakit di mo pa sabihin?
Pag-usapan na, at subukan na ayusin
Mga ganto di na dapat pang pahabain
Imbes utak natin ang ating palawakin
Tagal na rin akong nababato, ilang araw na rin na tuliro
Relasyon natin naging magulo
Pwede ba muna nating ihinto?
Kung wala na rin nang halaga
Di ko na rin ipipilit pa, kailangan din naman ng pahinga ng damdamin ko sayo
Kung meron nang nahanap na iba, di na rin ako magtataka
Siguro dapat ay itigil na
Palagi nalang na nagiisip
Kung sino nga ba saking pinalet
Malabong maitago ang sakit, pilitin man na ngumiti lungkot ang mas higit
Panahon na rin siguro na matutong, hindi dapat laging sinusunod ang puso
Pagpapakatanga'y malayo na sa uso
Minsan dapat gamitin mo rin ang iyong ulo
Gusto ko man sa tabi mo ay manatili
Ngunit hindi naman ako ang 'yong pinili
Mas pinili mong makinig doon sa tinig
Na nagsasabi na hindi ka para saking piling
Kung alam ko lang na mag kakaganto