Dibdib kong punong-puno gustong kumawala
Nakahandang ika’y samahan
Naghihintay lang ako sagutin mo mga tawag ko
Umaga o gabi ‘kaw iniisip katabi
‘Di ako nagmamadali pabagalin pa natin sandali
Parang pagsusulit na ‘di ko masagutan
Ang akin lang naman ikaw ang nilalaman
Ng aking mga sinulat aking pinamagatan
Dami nang sabi-sabi sa tabi-tabi
‘Di kaya na magalit kaya lagi na humihindi
Kaya naman halika na paligid ay tahimik na
Wala na ngang iba tayo na lamang dalawa kaya
Sabihin ang iyong nadarama
Sabay natin na sabihin ang nadarama
Pumikit hanggang sa kung saan
Pagpasok ko sa trabaho hay traffic na naman
Ayos lang naman nasanay na naman
At ang mahalaga ‘kaw ang aking inaabangan
Sa bawat oras ay hindi makapapayag na maagaw
Mga pagkakataon nais sa inyo na dumalaw
Hiniling sa itaas mga bituin, buwan at araw
At ang tangi niyang sagot sa akin ay kumalma nga raw
O sige aking pakikinggan ang sasabihin
Kung manalo o matalo tanggapin ang sasapitin
Limitado ang galaw kay dali mo akong akitin
Kung hindi ang kasagutan ‘di na natin pipilitin pa
Panhik-panaog alas tres a dose ng umaga
Napupuyat kakaisip dala-dala pa sa kama
Ang larawan sa ’king utak ikaw ang makakasama
At wala na ngang iba tayo na lamang dalawa kaya
Sabihin ang iyong nadarama
Sabay natin na sabihin ang nadarama
Pumikit hanggang sa kung saan
Pumikit hanggang sa kung saan