Bakit ang gaan ng pakiramdam ko
Sa tuwing tayo ay magkausap
Wala namang namamagitan sa'tin pero pag
mag kasama tayo ay parang nasa ulap
Ba't kung tratuhin moko parang ika'y akin
Napapadalas na ata ang ating
pagsasama ba't di ko maamin
Palaisipan parin sa'kin kung itoy tama ba?
Saka ka lang nakaka-alala
Kaya ang hirap ng umagaw ng eksena
Ngayon alam ko na kung ano pinagkaiba ng bida sa extra
Pwede ba linawin mo na 'to
Ang hirap ng ginagalawan na'ting mundo
'Di na dapat pang laliman ang ugnayan ganto
Pwede naba natin 'tong tapusin
Kaso nga lang di ko maibsan
'Di maintindihan kung papano,
napako, nabago, naglaho yung tayo
Na patago 'di pwedeng isambulat
Ikaw agad gustong makita ng mata pagmulat
Ang kaso lang ay buhat ng aking i-ulat
Tunay na nilalaman ng puso ko sa sulat
tanging sagot mo lang ay-
Siguro nga di lang ramdam
Kahit pansamantala habang
Pabigyan ang tawag ng laman kase kumakalam
'Di isisiwalat kase kagustuhan mo naman
Ayos lang, di na kailangan na may ibang pang maka-alam