Oh, naisip ko na baka sa'kin yung mali
Paano kasi yung limutin ka, di ganun kadali
Kasi nung andito ka pa, madalas kang mabalewala
Oo, baka sa'kin nga talaga yung mali
Baka ako rin yung dahilan kung bakit ka umalis
Di ko man lang namalayan, pangyayari mabilis
Pagkatama ng malas, diretso, di ko nalihis
Napuno na lamang ng sama ng loob at inis
Sinalo ko ng buo at tinamaan
Parang di ko man lang napangalagaan
Kapit na mahigpit, biglang binitawan
Mga salitang napunta sa wala, hanggang sa nawala, mga babala
Di ko man lang namalayan na lahat nakatala
Na pala, eto napala, pansamantala
Na lang sana lahat nang 'to at hindi ka nawala
Oh, naisip ko na baka sa'kin yung mali
Paano kasi yung limutin ka, di ganun kadali
Kasi nung andito ka pa, madalas kang mabalewala
Oo, baka sa'kin nga talaga yung mali
Wala na ba talaga 'tong patutunguhan
Yan ang huling sambit ng bibig bago pa man tuluyan
Bumitaw, naligaw, sa 'ting pagkapit ikaw ay
Di na nakahawak, umay ka na rin sa away
Tangan-tangan na lamang ala-alang alanganin pang mabawi
Laging sambit, sakit sa'kin sana dati pa hinawi
Tanging sa sulat ko na lamang ba maibabawi
Awit na klasik ang gamit at hiraya manawari
Binabagabag, kahit may alak ang sistema
Ay minumulto pa rin palagi ng ating dilemma
Di 'to mema, teka, may naaalala lang ang tenga
Mga besa mong nakakabesa ko na kakalekba
Lik-baliktarin ko man ang mga pangyayari, e wala na
Katarantaduhan, maniwala sa tadhana
Ke Bathala, yung diwata na inilaan, wala na
Mapa-Maria Clara at Ibarra, kwento'y di nagtama
Oh, naisip ko na baka sa'kin yung mali
Paano kasi yung limutin ka, di ganun kadali
Kasi nung andito ka pa, madalas kang mabalewala
Oo, baka sa'kin nga talaga yung mali
Oh, naisip ko na baka sa'kin yung mali
Paano kasi yung limutin ka, di ganun kadali
Kasi nung andito ka pa, madalas kang mabalewala
Oo, baka sa'kin nga talaga yung mali