Kung 'di tayo nagkahiwalay
Kung maari sanang maibalik ang dati
Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama
Sa malawak na lupain doon sa aming bukirin
Tayo laging magkasama umaga hangggang dilim
Sa ilalim ng punong mangga sabay nating ipininta
Ang sumpaang idinikta mo sa'kin
Ang pag-ibig na manggagaling sa'yo
Ay hindi na mabilang amg mga nabubuong mga plano
Kasabay ng eroplanong papel ang paglipad
Ng mga pangarap nating gusto nating marating
Tunay na pag-ibig na ang nadama
Sa aking edad na siyam ako'y palaging masaya
Yan lang ang aking alam sa bawat oras na kasama ka
Habang naglalaro sa ating baryo
Ay hindi ko mapigilang matitigan medyo pilyo na
Ang pagtinigin mo sa'kin pero 'di mo kinakailang
Ako'y gusto mo rin at parang 'di ko gusto na gugustuhing mapalayo pa
Ikaw lang ang para sa akin sa aking dalangin palaging nandun ka
Kung 'di tayo nagkahiwalay
Kung maari sanang maibalik ang dati
Ikaw pa rin sana ang palagi kong kasama
Araw-araw ang eksena ay palaging masaya
Sa pagpasok pag-uwi ng eskuwela kasama ka
Hanggang sa paglalaro ikaw pa rin ang kaparehas
Sa aking kaharian ikaw ang natatanging reyna
Lahat ay itsapuwera kahit na anumang bagay
Katunayan boto sa 'kin ang iyong mahal sa buhay
Kumpleto na't matibay at lahat ay okay na
Hanggang sa dumating ang biglaan na problema
Nagulat ako isang araw nakita ko ang aking ama at aking ina
Nakita ko na sila'y mayro'ng bisita ang mga kulay ng mata ay iba
Tinawag nila ako't lumapit sa aming bisita halika anak halika
No'ng narating ko bakit ano po anak ganito maupo ka
Matutupad na ang pangarap ko para sa 'yo heto na 'to
Huwag mo sana kaming bibiguin umaasa ako at ang ama mo
Magpapaalam ako sa iyo kahit na masakit kakayanin ko 'to
Lilisan ako pero tandaan mo na ako ay magbabalik para sa 'yo
Nagbilang ng mga araw at buwan
Ngunit panaginip nang muli kang madatnan
Kung sana'y 'di nawalay kahit na isang saglit
Pag-ibig ay buhay pa rin (pag-ibig ay buhay pa rin)
Baon ko'y walang hanggang ngiti (walang hanggang ngiti)
Lundag ng puso sabay sa bawat paghakbang patungo sa 'yo
Ngunit parang may nagbago
Lumipas ang napakaraming taon
Sa wakas ako'y nakabalik nang muli (ah)
'Di masukat sa labi ang mga ngiti
Napawi ko na lahat ng pighati
Na ang kasagutan ko sa katanungan ay narito na (ah)
Humawak ka sa 'kin ibabalik ka
No'ng tayo'y mga bata pa (ah)
Sa lugar kung saan na ikaw at ako
Ay nangako na tayo na ngang dalawa
Nagtungo ako baka naroon ka
Kasi nga gusto na kitang makita (ah)
No'ng narating ko niyakap mo ako
Salamat sa iyo dumating ka
'Yan ang salita na nanggaling sa 'yo
Napaluha ako ngayong katabi ko
Na ang babaeng nag-iisa lamang
Na pinakamamahal ko sa mundo (ah)
Humawak ka sa 'king kamay
Kasabay ng mga luhang taglay
Napakasarap ng mga bawat halik (ah)
Tumangan ka sa 'kin at ibinulong mo ang iyong mga pangungulila
Pero patawad mahal ng mahina
Bakit mayro'n ka bang kasalanan
Laking gulat ko na lamang
Pero bakit gan'to ano ba ang nangyari (napakasarap siguro)
Bakit wala man lang sa 'kin nagsabi (kung 'di tayo nagkahiwalay)
Ano bang klaseng biro ito
Ayokong maniwala sa kanila (lahat ng mga pangarap ko)
Mahal ko ako ay nakabalik na
Mahal ko ngayon ako'y narito na (para sa atin ay nawala)
Ibabalik natin ang dating saya
Sumama ka sa 'kin sabay tatahakin (kung maaari sanang maibalik)
Ang mga hangarin na para sa atin
Salamat sapagkat ako'y inantay (ang dati)
'Di na muli pang maghihiwalay
Kahit na masakit kakayanin ko 'to (hindi sana 'to nangyari)
Kahit na buhay ko pa ang itaya
Kahit na masakit kakayanin ko 'to (ikaw pa rin sana)
Kahit na buhay ko pa ang itaya (ang palagi kong kasama)
Ay 'di mo dinanas ang pinagdusahan mo't pinagdaanan
Ikaw ay ginapos at pinabayaan
Tinapon na lamang at pinag-usapan
At kinabukasan ay aking nalaman
Ikaw pala'y napagsamantalahan
Gusto kong balikan ang mga gumawa
Kahit sino pa 'yan gusto kong gantihan
Ay 'di mo dinanas ang pinagdusahan mo't pinagdaanan
Ikaw ay ginapos at pinabayaan
Tinapon na lamang at pinag-usapan
At kinabukasan ay aking nalaman
Ikaw pala'y napagsamantalahan
Gusto kong balikan ang mga gumawa
Kahit sino pa 'yan gusto kong gantihan
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa (oh)
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa (oh)
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa
Eh 'di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa (oh)
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa
Bakit nila sa 'yo 'to nagawa
Eh 'di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala (hh 'di sana 'to nangyari kung hindi lang ako sa iyo nawala)