LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

sana hindi na lang

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sa ‘yo ko lamang naranasang masaktang gan'to
Yung tipo na hindi alam kung anong natamo
Masakit ang lupit parang ginamit lang
Malamig ang gabi para bang may kulang

Yakap mo'ng hanap-hanap kaso wala ka na (wala ka na)
‘Di ko pa matanggap na meron ka nang iba
‘Di ka nanghihinayang ako lang ba
Masaya ka na ba sa piling niya

Ba't ang bilis mo lang limutin
Mga pinagdaanan natin
Pinaubaya mo na lang ako sa hangin
Sana hindi ka na nga lang naging akin (ah ah ah)
Sana hindi na lang (ah ah ah)
Kita nakilala (ah ah ah)
Sana hindi na lang (kita nakilala)

Akala ko ba nung una
Ay sigurado ka na
Sabi mo pa anuman ang mangyari
Hindi ako magsisisi pero

Lumakad ka palayo sa ‘kin
At palapit sa kanya
Mabubura na lang ba
Ang mga alaalang ginuhit natin nang magkasama

Ba't ang bilis mo lang limutin
Mga pinagdaanan natin
Pinaubaya mo na lang ako sa hangin
Sana hindi ka na nga lang naging akin (ah ah ah)
Sana hindi na lang (ah ah ah)
Kita nakilala (ah ah ah)
Sana hindi na lang (kita nakilala)

Akala ko pa nung una
Ay sigurado ka na
Bigla na lang lumipat ka
Sa iba ah ah

Akala ko pa nung una
Ay sigurado ka na
Bigla na lang lumipat ka
Sa iba ah ah

Ba't ang bilis mo lang limutin
Mga pinagdaanan natin
Pinaubaya mo na lang ako sa hangin
Sana hindi ka na nga lang naging akin (ah ah ah)
Sana hindi na lang (ah ah ah)
Kita nakilala (ah ah ah)
Sana hindi na lang

WRITERS

Kylu Garcia, Matt Wilson, Senoidy “SNDY” Puhawan

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other