Sumabay ka sa hangin dadalhin ka niyan patungo sa akin
Sumayaw ka’t umawit habang tayo’y papunta sa langit

Kay gandang dalaga witwiw kutis porcelana oh yeah
Kaya isang tingin mo pa siguradong mapapasakin ka
Para kang bituin sa kalawakan mala rosas ang iyong kagandahan
Pwede ba kitang makatabi sa higaan
Habang unti unting dumadampi ang ating mga labi ng dahan dahan
Sa paglipad ng paruparo makikita ang palasyo ng hiwaga mo
Pangako ako’y sayong sayo dahil ikaw at ikaw lang prinsesa ko
Ibinulong sakin ni bathala na tayong dalawa’y itinadhanang
Harapin ang bukas ng makasama sapagkat tayo ang bida sa kwento nina Florante at Laura
Sumabay ka sa hangin dadalhin ka niyan patungo sa akin
Sumayaw ka’t umawit habang tayo’y papunta sa langit
Sumabay ka sa hangin dadalhin ka niyan patungo sa akin
Sumayaw ka’t umawit habang tayo’y papunta sa langit
Oh aking binibini sayong ganda lang ako nabibighani mga babae wala sayong masabi
Tila ba ika’y isang angel na nahulog mula sa bahaghari
Kasi ikaw ang bumubuo ng aking mundo matamis mong ngiti yan ang aking gusto
Sa tuwing nakatingin ako sa mga mata mo bigla nalang tumitigil tibok ng puso ko
Sumabay ka sa hangin dadalhin ka niyan patungo sa akin
Sumayaw ka’t umawit habang tayo’y papunta sa langit
Sumabay ka sa hangin dadalhin ka niyan patungo sa akin
Sumayaw ka’t umawit habang tayo’y papunta sa langit
Dahil ikaw lang ang gusto ko ikaw lang ang gusto kong makasama sa buong buhay ko
Ikaw lang ang gusto ko ikaw lang ang gusto kong makasama sa buong buhay ko