Paano bang magsimula kung galing sa wala tila tulala
Iniisip wala na bang pag-asa
Malalaman pa ba kung di kaya o sige pa
Paano ba paano na kung di naman magsalita
May mga bagay na hindi maiintindihan agad
Lalo na kung hindi pa ukol sa panahon ngayon
Kahit pilitin hindi rin magiging akin ang layunin
Maganda man sa panangin sa itaas hindi pa rin
At sa ngayon hintay hintay na lang
Kung kailan mailalaan sa akin ang tagumpay na inaasam
Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy lang
Kulang pa o kulang ba saan pa may magagawa
At sa ngayon hintay hintay na lang
Kung kailan mailalaan sa akin ang tagumpay na inaasam
Hanggang saan pano kailan tuloy tuloy tuloy lang
Kulang pa o kulang ba kahit anong gawa
Papatulan ko pa ba bawat hinga o salita
Maari bang huwag na lang at magkibit balikat lang
Eh kahit pa naman masabi ang dinaramdam
Wala namang makikinig kung puro salita lang
Kaya't gawa na lang ng gawa
Ibaling ang panahon sa paggawa ng pagawa
Kahit ano pa yan magbubunga rin naman
Ng maganda kung para sa mabuti ang gawa
At sa ngayon hintay hintay na lang
Kung kailan mailalaan sa akin ang tagumpay na inaasam asam
Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy lang
Kulang pa o kulang ba saan pa may magagawa
At sa ngayon hintay hintay na lang
Kung kailan mailalaan sa akin ang tagumpay na inaasam
Hanggang saan pano kailan tuloy tuloy tuloy lang
Kulang pa o kulang ba kahit ano pa mang gawa
Ano pa bang bagay ang kailangan pang gawin
Para lang mapasaakin tagumpay na mithiin
Kahit ano pang suungin tila malabo pa rin ang daang nakalaan
Para sa akin at ikaw na nakikinig walang bukambibig kundi
Ang buhay talaga'y tila mailap sa akin
At sa ngayon hintay hintay na lang
Kung kailan mailalaan sa akin ang tagumpay na inaasam
Tuloy tuloy tuloy tuloy lang tuloy tuloy tuloy lang
Kulang pa o kulang ba kahit anong gawa
At sa ngayon hintay hintay na lang
Kung kailan mailalaan sa akin ang tagumpay na inaasam
Hanggang saan pano kailan tuloy tuloy tuloy lang
Kulang pa o kulang ba kahit anong gawa
Hindi ako naniniwalang walang patutunguhan lahat ng pinaghirapan
Kaya't gawa lang ng gawa lang ng gawa lang ng gawa
Walang humpay na pagsakay sa daluyong ng buhay