Sinubukan ko na makatakas
Sa problema na dala ng kalungkutan
At akala ko dati kaya ko na
Nalagpasan mga pasakit pero sakit nandito pa
Kumikirot ang dibdib pag bumabalik ang nakaraan
Makikinig sa bawat sinabe ng nararamdaman
Kaya nandito saking kwarto mag isa nanaman
Nilalabanan mga demonyo na bulong ng bulong
Paano ba?, yan ang katanungan
Dito sa isip ko na puro katanungan
Parang umuulan na wala kang masisilungan
Ganun rin nga ang tyansa na ako ay matulungan
Pilit na sumisigaw ngunit bingi ang karamihan
Ano pa ang saysay ng salitang matutulungan
Kung bawat salita sa bibig mo nga ay walang din namang laman
Pinamukha mo lang sa akin na wala 'kong halaga
Sawang sawa na 'rin ako sa sitwasyon nato
Gusto lang makatakas ngunit palaging ngang bigo
Hinahanap ang butas na may liwanag na dala
Baka sakaling makatakas sa lungkot na nadarama
Ngunit palagi na nga lang nabibigo sa bawat panalangin
Ano ba ang rason 'bat puro palagi na lang pasakit
Gusto ng mawala ayan ang laging nasa isip ko
Tsaka lang papahalagahan 'pag ang pulso ay nalagot