LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Kapatawaran

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Natagpuan mo ako ng handa ka

habang ako'y hindi pa pala.

Maling ikaw ang laging may luha,

mahal kita kaya ako na ang mawawala.


Labis kitang inubos,

sa sigarilyo ika'y parang upos.

Di ka napagod na mahalin ako,

napagod ka lang talaga sa pinaramdam ko.


Chorus

Kapatawaran dahil di ko na inilaban

Kapatawaran dahil tuluyan kang sinukuan

Kapatawaran dahil itinaboy ko kaysa ituloy ang tayo

Kapatawaran


Ikaw ang matibay sa ating dalawa,

nasaktan ka na, kumapit ka pa.

Sa ating dalawa ako ang lumpo,

akong nakasakit, ako pa ang sumuko.


Ika'y aral na kailangan kong matutunan.

Kaysakit lang dahil ang nagbigay ng aral

ay di na babalik kailanman.


Chorus

Kapatawaran dahil di ko na inilaban

Kapatawaran dahil tuluyan kang sinukuan

Kapatawaran dahil itinaboy ko kaysa ituloy ang tayo

Kapatawaran


Bridge

Kung alam ko lang na huling yakap na,

sana ay hinigpitan ko pa.

Ikaw naman sana ang gawing mundo,

huwag na muling iikot ang mundo sa maling tao.


Kapatawaran dahil di ko na inilaban

Kapatawaran dahil tuluyan kang sinukuan

Kapatawaran dahil itinaboy ko kaysa ituloy ang tayo

Kapatawaran

WRITERS

Lucas Garcia

PUBLISHERS

Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other