'Di ko alam kung pa'no ako nahulog sa'yo
Bigla na lang nabihag itong puso ko
Siguro'y dahil isang tingin mo lang ako'y nahumaling
Kasabay ng boses mong nakakaakit
Bawat ngiti'y tumatatak sa utak ko
At nakaukit na na sa alaala ko
Ito'y hindi na matatanggal pagkat ika'y tinatangi
Pinapangako sa buhay mo ako'y mananatili
Gusto ko lamang ay ang makasama ka
Sa habangbuhay ikaw lamang sinta
Hawakan mo ako at 'wag mo nang bitawan pa
Magsasayaw tayo't magmamahal
Sana'y malaman mo (sana'y malaman mo)
Sana'y malaman mo (sana'y malaman mo)
Pinapangarap ko (pangarap ko)