LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

habangbuhay pansamantala

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Nakakainis ka
Ba't ba ang bilis kong tumiklop?
Konting iyak, konting tampo
Nalulula ang puso ko, wala
Umiikot na muli ang mundo

Nakakapikon na
Pinakilala ka pa ng tadhana
Kung kailangan ko rin palang
Kalimutan pangalan mo (pa'no 'yan?)
Tumitigil umandar utak ko

Nananahimik yung tao
Ginulo mo ang mundo ko
Na para bang 'di mo ako kilala
Na para bang pababayaan kita

Sino ba naman 'di mahuhumaling?
Mga tala sa iyo nakatingin (bakit ba gustong-gusto kita?)
Tatlong linggo, at ayaw magsalita, 'di makapaniwalang (sasabihin sa akin)
Ikaw ang aking hiling
Na matagal ko nang hinintay
Ngayon lang nakita ang gan'tong kulay
Ako ba'y habang buhay pansamantala?

May sumpa ba ang pusong laging nakabukas?
Sa sarado mong labi, ba't hindi mo masabi na
Sapat magustuhan?
'Di sapat mapanindigan
Hindi ba 'ko kasugal-sugal?

Nananahimik yung tao
Ginulo mo ang mundo ko
Na para bang 'di ka aalis
Na parang 'di mo matitiis

Sino ba naman 'di mahuhumaling? (Oh)
Mga tala sa iyo nakatingin (bakit ba gustong-gusto kita? gustong-gusto kita)
Tatlong linggo, tatlong salita, 'di makapaniwalang (sasabihin sa akin)
Ikaw ang aking hiling
Na matagal ko nang hinintay
Ngayon lang nakita ang gan'tong kulay
Ako ba'y pansamantala?

Nanghihina ang buong pagkatao ko
Pagdating sa iyo (habang buhay pansamantala)
Nanghihina ang buong pagkatao ko
Sige na, pwede bang ako na lang?

Nananahimik yung tao
Ginulo mo ang mundo ko
Na para bang makakasama kita
na 'di pansamantala

Sino ba naman 'di mahuhumaling? (oh)
Mga tala sa iyo nakatingin (bakit ba gustong-gusto kita? gustong-gusto kita)
Tatlong linggo, tatlong magsalita, 'di makapaniwalang (sasabihin sa akin)
Ikaw ang aking hiling

Nanghihina ang buong pagkatao ko
Pagdating sa iyo (habang buhay pansamantala)
Nanghihina ang buong pagkatao ko
Sige na, pwede bang ako na lang?

WRITERS

Ralph William Datoon, Tati de Mesa, Jovel Rivera, Sammy Icaranom, Jon Lopez, Ian Moscare

PUBLISHERS

Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

From This Artist