Alam mo bang na sa'kin pa
Parang bulong sa hangin ang boses mo sa akin
Ikaw pa rin pala ako'y huli na ba
Bawat melodiya sa 'yo lang papunta bumabalik sa umpisa
Kung puwedeng maulit dasal ko sa langit ikaw na lang ulit
Paikot-ikot nakakapagod pabalik-balik sa mga panahon
'Pag pinakikinggan na ang musika ngayong wala ka na
Tapos na ang mga pamilyar na tonong naririnig ko
Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to
Pero uulit-ulitin ko kahit marindi man sa 'kin ang mundo
Alam mo bang hindi pa 'ko makabitaw
Tatlong taon mo nang nararamdaman
'DI naman tayo pero walang ibang gusto
Kasi ikaw pa rin pala ikaw lang talaga
Tagal kong nakita kung sa'n sa'n napunta
Ta's iiwan ka nang mag-isa (isa)
Kung pwede umasa dasal kay bathala
Sa 'kin ka napunta (ikaw na lang ulit)
Paikot-ikot 'di mapapagod pabalik-balik anumang panahon
'Pag pinakikinggan na ang musika kahit wala ka pa nandiyan na ang
Mga pamilya na tonong naririnig ko
Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to
Kahit marindi man sa 'kin and mundo
Kabisado ko pa rin mga tawa mo't tingin
'Di na mabura-bura kahit na gustuhin
Kinaya mo lang din 'di na sana pinansin
Bawat bulong at sigaw ng iba eh 'di sana tayo pa (eh 'di sana nandito ka)
Eh 'di sana masaya (eh 'di sana masaya)
Eh 'di sana tayo pa eh 'di sana nandito ka (ah)
'Di sana nangamba kung ako'y mahal mo pa
Eh 'di sana 'di hilo ang puso
Paikot-ikot nakakapagod (paikot-ikot paikot-ikot)
Pabalik-balik sa mga panahon (paikot-ikot paikot-ikot)
Paikot-ikot nakakapagod (paikot-ikot paikot-ikot)
'Pag pinakikinggan na ang musika ngayong wala ka na
Paikot-ikot 'di mapapagod pabalik-balik sa mga panahon
'Pag pinakikinggan na ang musika kahit wala ka pa
Ang mga pamilyar na tonong naririnig ko
Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to
Pero uulit-ulitin ko hanggang marindi na ang aking mundo
Paikot-ikot nakakapagod (paikot-ikot paikot-ikot)
Pabalik-balik anumang panahon (paikot-ikot paikot-ikot)
Kung pinakikinggan ang musika ngayong wala ka na
Tapos na and mga pamilyar na tonong naririnig ko
Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to
Pero uulit-ulitin ko hanggang marindi na ang aking puso (hindi maririndi)