Nilibot na ang buong mundo
Di pa rin ako nakukuntento
Lumipas ay nagbabalik pala
Nalilito na ako hindi na dapat ganito
Nakaraan ay natapos at napagdaanan na
Bakit nasisindak pa sa tuwing naaalala
Matatauhan na wala ka na pala
Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang
Anong pait ang matamis at aking susubukan
Hindi nga nagtagal ang pagpapanggap na 'to
Kaliwa at kanan harap at likod ano mang anggulo
Wala na ba talaga akong magagawa pa
Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang
Anong tamis ang mapait at aking iiwasan
Wala na bang makapapantay at di na ba dapat pang maghintay
Ako lang ba ang nagkasala
Kumakapit sa natitirang sana
Hanggang kailan kaya ako dito mag aabang na magdutong na ang patlang
Ang kulang ay mapupunan wala nang makakahadlang
Wala na yatang hihigit sa pangungulila ko
Iba na bang nagbibigay ng mga kailangan mo
Kay higpit ng kapit sa unan kagabi ko
Inaasam muling makatabi at mahalik sana