Tabi ng pangalan mo may green dot ang
Sarap mong tanungin kung ba't gising ka pa
Gusto ko na pumasok sa 'yong inbox
Kaso alam ko naman na iyong isiseen lang
Kada makikita ay hinihiling na maging kung sino ang nasa sapatos
Ng 'yong natitipuhan at 'di ko 'yon basta mapapagawa lang sa marikina
Kailangan lang ng sipa na mula sa pulang kabayo
Oh ano, kasi laging tinatanong kung kaya ko ba 'to
Gusto ko nang mag-wave tapos kunyari napindot lang
Kaso baka i-screenshot pagtawanan sa group chat
Kaya laging pag-view sa story mo ang lagi kong hapunan
Pero hindi ko matatanggi na
Gusto ko na tayo ang magka-story na din sa kalaunan
Ang mensahe ko mukhang 'di mapapadala
Sa gustong mapadama may isang paragraph
Kaso parang typo lang lahat oh wag na lang pala
Hanggang react lang talaga
Kung makita ang litrato pusuan agad
Gusto ko nang i-enter aking message pero bakit
Laging napipindot yung nasa taas, yung nasa taas
Ang kausap mo gabi-gabi at araw-araw
Walang tigil magdamag palagi ako na lang sana
Panis lahat sa morena kong kulot
Hindi ko matanggi, hindi ko maalis
Ikaw ang nakikita kahit madilim
Pero aking damdamin ang gulo
'Di ko rin alam ang kakalabasan kaya walang ginagawa
Parang sabog ako ay tulala
Basta pag nakikita kita ako ay masaya
Kahit na minsan madalas ako'y natatawa
Nadadapa kakasunod sa 'yong paglalakad
Gusto ko lang naman mag-usap tayo
Kahit walang topic basta mag-reply ka sa mensahe ko kahit na haha
Yakap mo ang init sa paparating na hangin
Ang dami kong nasulat baka 'di mo 'yan basahin
Kaya ang nasa isip 'di ma-send puro bura na lang palagi
Kung ang damdamin ko sa 'yo ay hindi ko maamin
Wala akong malabas kasi yung utak ko'y bakante
Kaya 'di ko magawa ang mga gusto kong mangyari
Pasensya na kasi kung ako ay atras-abante
Ayoko nang ipasa baka 'di mo rin basahin
(di mo rin basahin, wag na lang kaya)
Ang kausap mo gabi-gabi at araw-araw
Walang tigil magdamag palagi ako na lang sana
Ang kausap mo gabi-gabi at araw-araw
Walang tigil magdamag palagi ako na lang sana