Simula nanaman ng panibagong araw
Kasi araw araw ay panibago
Ang lungkot puot na iyong nadarama
Dahil ito ay panibagong umaga
Pagbangon ko ngayon parang puno ng gana
Mga problema ko ay wala na
Parating man ang halimaw maituturing pantasya
Ang nangyari kagabi ay kalimutan na
May tyansang magsimula pa nga
Kasi di naman kasalanan kung bakit may pinagdadaanan
Kailangan pagdaanan lang at wag hahayaang maging tambayan
Ibang araw nato wag na magtampo
Masamang araw lang yun iba na ngayon
Kung balak mo sirain agad ang araw mo
Tandaan di nakakatanggal ng problema ang simangot
Simula nanaman ng panibagong araw
Kasi araw araw ay panibago
Ang lungkot puot na iyong nadarama
Dahil ito ay panibagong umaga
Kung may masama may mabuti
Sa lupa na tigang may kamote
Kung iyong titignan lahat nang to sadyang posible
Mo palagi ay malinaw mo ng madadale
Ilang hakbang na lang pare
Wag mong iiwan itong mga sasabihin ko
Magandang bukas din ang makikita mo
Simula nanaman ng panibagong araw
Kasi araw araw ay panibago
Ang lungkot puot na iyong nadarama
Dahil ito ay panibagong umaga
Kasi araw araw ay panibago
Di mo na kailangan pang itago
Ang lungkot puot na iyong nadarama
Dahil ito ay panibagong umaga