Ang tulin, tila ulap sa gabi
Usok sa kalawakang madilim
Pag-ibig na walang kasing tamis
Dumadaloy ngunit iniwan ay lamig
Akala ko may bukas pang natitira
'Di ko inakalang mundo'y biglang titigil
'Di ko inakalang 'yun na pala ang huling ngiti
Ngiti, patingin, ngumiting muli
Buong buhay ko'y ikaw ang aking kasama
Akala ko hanggang sa pagtanda
Naniwala akong totoo ang habang buhay
'Di ko iningatan ang halaga ng dating kasalukuyan
Akala ko may bukas pang natitira, natitira
'Di ko inakalang mundo'y biglang titigil
'Di ko inakalang 'yun na pala ang huling ngiti
Ngiti, patingin, ngumiting muli ngiti
Madaming oras ang 'yong nais makapiling
Madaming oras ang pilit isinantabi
Patawad sa lahat ng dapat para sa 'tin
Hindi ko alam na ang tadhana'y bibitinin
Akala ko may bukas pang natitira, natitira
'Di ko inakalang mundo'y biglang titigil
'Di ko inakalang 'yun na pala ang huling ngiti
Ngiti, patingin, ngumiting muli ngiti
Ngiti, patingin, ngumiting muli