Da-ra-da-da-da-na-na-na-na
Mula ng kasama ka palagi na'kong masaya
Nagayuma mo na ata puso ko't kaluluwa
Bumabagal ang paligid pag ikaw ay lumalapit
Tumabi ka lang sa akin para na'kong nasa langit
'Di sinasadya na mapaibig kaagad sa'yo
Tinatanong ko ang sarili bakit kay bilis nito
At sa 'di inaasahang pagkakataong ito
'Di napigilan ang sariling magtapat ako sa'yo
Ika'y nagulat sa nasabi at hindi nakaimik
Sabay sinabi mo sa akin na ayaw mo nang maulit
Sa iyong nakaraan na dati mong napagdaanan
Nasaktan ka na kaya pala takot kang maiwanan
Nagbabakasakali na ako'y pagbigyan
Ako ang gagamot sa puso mong ngayo'y nasusugatan
Balang araw ay unti-unti mo ring masisilayan
Ang ligayang 'di pa natin kailanman nararanasan
Sa dami ng babae sa mundo
Ikaw lang ang gusto na makasama ko
Lahat ay kayang ibigay sa'yo
Sa dami ng babae sa mundo
Ikaw lang ang gusto na makasama ko
Lahat ay kayang ibigay sa'yo
Biglang ako ay nagulat sa sinabi mo
Ika'y umamin din sa akin na ako ay gusto mo
Ginugulo ka ng iyong isipan
Pangako ko sa'yo hinding-hindi ka iiwan
Dahil hindi kasi ako tulad ng iba
Sapagkat sa buhay kong ito ika'y nag-iisa
Nakikiusap lamang sana na ikaw ay maniwala
Patutunayan nating tayo ang tinadhana
'Di ko maintindihan kung bakit nga ba ganito
Ang tibok ng aking puso na nagmumula sa'yo
Wala akong ibang hiling kung 'di ikaw ay makasama
'Di kumpleto aking araw pag hindi ka nakikita
Kaya sana hayaan mong aking ipadama
Ang pag-ibig ko sa'yo hindi na 'to mawawala
Pareho nating hahanapin ang lugar na para sa atin
Aaraw-arawin na ikaw papaligayahin
Sa dami ng babae sa mundo
Ikaw lang ang gusto na makasama ko
Lahat ay kayang ibigay sa'yo
Sa dami ng babae sa mundo
Ikaw lang ang gusto na makasama ko
Lahat ay kayang ibigay sa'yo
Ngayong ito ay akin nang nasabi
Aasahan mong nandito lang sa'yo palagi
Ngayong ito ay akin nang nasabi
Aasahan mong nandito lang sa'yo palagi
Ngayong ito ay akin nang nasabi
Aasahan mong nandito lang sa'yo palagi
Ngayong ito ay akin nang nasabi
Aasahan mong nandito lang sa'yo palagi
At ngayong ikaw ay napasa'kin na
'Di na hahayaan pa maulit ang nadama sa iba
At pag-aalinlangan 'wag nang magtanong kung bakit
Magtiwala ka lang magtiwala ka lang
Ako ang magdadala sa'yo sa tamang daan
Ang mga hadlang hahakbangan na parang hagdan
Ikaw ang magiging eva at ako si adan
Iiwasan 'yung ahas temptasyon panibugho
At sabay nating tahakin panibagong mundo
'Yung tipong tayo lang walang hadlang walang panggulo
Masasaya na alaala lang sa kada yugto
Sa pagbukas ng pinto ng puso at iyong pag-ibig
Sa paraiso ng anghel na humihimig
Habang nakatitig dantay ka sa'king bisig
Ligayang nadama ay parang panaginip
Sa dami ng babae sa mundo
Ikaw lang ang gusto na makasama ko
Lahat ay kayang ibigay sa'yo
Sa dami ng babae sa mundo
Ikaw lang ang gusto na makasama ko
Lahat ay kayang ibigay sa'yo
Sa dami ng babae sa mundo
Ikaw lang ang gusto na makasama ko
Lahat ay kayang ibigay sa'yo
Sa dami ng babae sa mundo
Ikaw lang ang gusto na makasama ko
Lahat ay kayang ibigay sa'yo