Di inaasahan na sayo ay matagpuan
Ang pag-ibig na di naman hinahanap
Ang sabi mo nahulog ka sa aking mga mata
Pati suot at galaw ko 'yong naaalala
Oh kay bilis ng mga nangyari
Di rin napigilan ang damdamin
Kung tunay ba'ng nadarama mo para sakin
Akala ko ay tayo na ako lang ba ang umasa
Kay saya natin nung una ngunit tila nagbago ka
Akala ko'y sayo'ng wakas pero bakit parang lumala ang lahat
Tama nga yung sabi nila magaling ka lang sa una
Ba't di malimutan ang sandaling kasama ka pati ang buwan
Kapag andiyan ka'y isang oras nagiging isang iglap
Ang daming binago sa sarili sinusunod lahat ng 'yong sabi
Pero hindi ko akalain na ito'y isang bitag na ikaw ang pain
Akala ko ay tayo na ako lang ba ang umasa
Kay saya natin nung una ngunit tila nagbago ka
Akala ko'y sayo'ng wakas pero bakit parang lumala ang lahat
Masyado ata tayong nagmadali
Mga ngiti napalitan ng hapdi
Di bale ng sa pag-ibig ay mahuli
Wag lang sana ito ulit mangyari
Akala ko ay tayo na ako lang ba ang umasa
Kay saya natin nung una ngunit tila nagbago ka
Akala ko'y sayo'ng wakas pero bakit parang lumala ang lahat
Tama nga yung sabi nila magaling ka lang sa una