LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Imik

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Pa'no makapa't malaman sinong matinik?
May palatandaang nasa tipo ng imik
Galit na 'di mabiro, agresibo ang giit o sa walang abisong nakatikom ang bibig

Pa'no makapa't malaman sinong matinik?
May palatandaang nasa tipo ng imik
Magbunganga na parang napupuno ng tapang, inuugat pa habang agresibo ang giit

Pa'no makapa't malaman sinong matinik?
May palatandaang nasa tipo ng imik
O magulantang na lamang sa kung ano ang kayang maibuga ng pawang nakatikom na bibig

Astang bida na may tira kapag tinanong
Papaandarin galing ng imahinasyon
Madali nang banggitin ang gagawing aksyon
Lalo kung wala pa naman din sa mismong sitwasyon

Pag nagpang-abot kakasa at magkakatumbahan daw
Parang malabong maagrabyado kapag kumakantsaw
Alak pa lalo para mas gago, bawat tungga apaw
Hawak ang baso, lakas manakot, 'kala mo gagalaw

Kada kumprontang tropahan, 'di papahuling sumali
Madalas sobra o lamang, sa usapin wala ni-isang makadaig sa dami ng kayang gawin subalit
Halatang boka-boka lang, pag pumapel mahangin

Kumakalabit pa nga kuno, sa kaututang-dila, nakikipagpalitan ng putok
Kaso lang ningas ay kugon
Pag kinapitan ng kutob at nauga, mga salita na naidura magsisibalik sa paglulon

Mapanindak ang banta ng mainit ulong gigil
Matalim magbabala imbis maghunos-dili
Hirap nga lang gampanan, malimit puro bibig
Sa ingay lang umiral ang pagiging sugod-bingi

Pa'no makapa't malaman sinong matinik?
May palatandaang nasa tipo ng imik
Magbunganga na parang napupuno ng tapang, inuugat pa habang agresibo ang giit

Pa'no makapa't malaman sinong matinik?
May palatandaang nasa tipo ng imik
O magulantang na lamang sa kung ano ang kayang maibuga ng pawang nakatikom na bibig

Bibihirang may aktibong salita't suhestyon
Ibahin sa mga tipong sabik sa atensyon
Madalas lang nakatikom ang kalmadong matalino mag isip ng tamang kilos sa gitna ng tensyon

Sa usap ay matipid, matumal sa parinig
Ngunit marunong makatunog na kayang makuha lang sa tingin
Pagkapuno lang ang magtutulak na maka-upak nang madiin
Gaya ng lutong pag kumulo na, tamang sa nguso ang patikim

Hindi maauga ng nginig pagkat ang init nasa loob
Inuungusan lang ng ngiti ang mga kilay na salubong
'Di naman puro lang palusob, bakit pa lulugar sa gusot?
Kung basag-ulo lang mag-isip, halatang utak ay marupok

Mga mabangis na satsat, maihahambing sa amba
At 'di basehang binatbat ang mga pasiga na asta
Pagiging matikas ay madaling matantsa
Nang 'di na kaylangan sabihing may bilang basta may isang salita, sapat na

Pa'no makapa't malaman sinong matinik?
May palatandaang nasa tipo ng imik
Magbunganga na parang napupuno ng tapang, inuugat pa habang agresibo ang giit

Pa'no makapa't malaman sinong matinik?
May palatandaang nasa tipo ng imik
O magulantang na lamang sa kung ano ang kayang maibuga ng pawang nakatikom na bibig

WRITERS

Thomas Mayacyac

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other