LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Bakit Ba Ikaw

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Mula nang aking masilayan
Tinataglay mong kagandahan
'Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa

Masaya ka ba 'pag siya ang kasama
'Di mo na ba ako naaalala
Mukha mo ay bakit 'di ko malimut-limot pa
Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa

Sa pag-ibig mo na may nagmamay-ari na
Nais ko lang malaman mo na minamahal kita

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita, ah
Maghihintay pa rin at aasa

WRITERS

Vehnee A Saturno

PUBLISHERS

Lyrics © Evolution Media Ltd.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

From This Artist