LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Deanne

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sandali lang, binibini
Pwede ka bang makausap kahit na saglit
Nais ko lang ay ayain ka
Sa isang habangbuhay na mamahalin kita

Gusto ko lang naman ika’y maalagaan
Iyong kamay ang tanging nais mahawakan
Pangako ko namang hindi ka bibitawan magpakailanman

Iyong ngiti ang aking nais masilayan
Tanging ikaw lamang ang aking paninindigan
Buong mundo pangako kong ikaw lamang ang pag-aalayan

Wala nang ibang hihilingin pa
Tanging ikaw lamang sinta ang mahalaga
Magkalayo man, kahit kailan man
Tanging sa ‘yo lamang ang aking pagmamahal

Binibini ko, hindi ko rin masagot ang tanong
Kung bakit ba gan’to
Hindi ko rin alam ba’t bumibilis ang tibok ng puso
Sa tuwing nagtatagpo ang ating mundo

Gusto ko lang naman ika’y maalagaan
Iyong kamay ang tanging nais mahawakan
Pangako ko namang hindi ka bibitawan magpakailanman

Iyong ngiti ang aking nais masilayan
Tanging ikaw lamang ang aking paninindigan
Buong mundo pangako kong ikaw lamang ang pag-aalayan

Wala nang ibang hihilingin pa
Tanging ikaw lamang sinta ang mahalaga
Magkalayo man, kahit kailan man
Tanging sa ‘yo lamang ang aking pagmamahal

Wala nang ibang hihilingin pa
Tanging ikaw lamang sinta ang mahalaga
Magkalayo man, kahit kailan man
Tanging sa ‘yo lamang ang aking pagmamahal

WRITERS

Chris Carl Miguel L. Marquez, Mark Nelson Macaspac

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other