Dati ay laging naghahanap
Ng pag ibig sa kung sino-sino na lang
Ako ay nasaktan ng ilang beses na ba
Hindi makahintay lagi na lang natutumba
At isang araw ay nakita kita
Sa'yo nga ba ibibigay ang aking pagsinta?
Dati ay laging nagtatanong
Kung kailan ba darating ang pag ibig ko
Ako ay naghintay para sa pagkakataon
At maraming araw at linggo ang nagdaan
Tunay ngang sa iyo ang pag-big ko sinta.
Kay tagal kong nag hihintay
Kay tagal kong nagdarasal
Sa king pagdarasal nakuha ang sagot
Na sa'yo na sa'yo ang tanging pag ibig ko.
Ako ay naghintay para sa pagkakataon
Na masabi sa iyo na ikaw ang mahal ko
At buong buhay ko ay kasama na kita
Ang pag ibig ko sa iyo sinta
Habang buhay ang pag ibig ko'y sa iyo sinta...