Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunan
Akala ko ika'y sa akin pa pero hindi na pala
Naglalagalag sa kadiliman
Naliligaw nalilito ano nga ba ako sa'yo
Dito sa aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Kalaban ang sarili sino bang dapat pumili
Sino nga ba ako ba o ikaw
Kung kalungkutan kong kaligayahan mo
Kung pagkagapos ko'y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso kong siyang lunas diyan sa puso mo (oh)
Paano na ako magpaparaya ba
Papakawalan na lamang ba kitang buo sa loob
Pinanghihinaan na nang loob
Kalaban ang sarili sino bang dapat pumili
Sino nga ba ako ba o ikaw
Humahagulhol ngunit wala namang nakikinig (ah)
Walang magandang pupuntahan
Kailanman ang maling pag-ibig
Kaya ngayon pipiliin ko muna ang aking sarili
Magmamahalan pa kaya tayong muli oh
Ngunit ayaw pa ng puso (oh)
Kalaban ang sarili sino bang dapat pumili
Sino nga ba ako ba o ikaw
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Gusto ko nang bumitaw-aw-aw
Gusto ko nang bumitaw bumitaw bitaw