Parang nakakapagod na ang ganito
Kung puro mali nalang ang nakikita mo
Kahit ano pa ang aking gustong sabihin
Maririnig mo ba? sumuko na sa akin
Di na rin ako yung lagi mo na hinahanap
Ramdam na ramdam ko ang lahat ng pagbabago
Pasensya na, naubos lang ako
Alam na alam ko din ang iyong mga tingin
Dahil dati mong ginagawa saakin
Di na rin ako yung lagi mo na hinahanap
Sorry alam ko nagkulang ako
Pero ginawa ko naman yung best ko
Di'ba sabi ko sa'yo babawi ako sayo
Pabalik na'rin naman ako e
Sinubukan kitang puntahan kanina pero
Kung pano ka sakanya, alam ko yon
Dahil dati, ganon, ganon ka sakin eh
Sana ay ako pa'rin ang laging hinahanap
Sana ay ako pa'rin ang laging hinahanap