Titigan mo ang lumang letrato
Na umaawit ka sa entablado
Alak at usok ng sigarilyo
Mga alalaang nag labolabo
Letra na hindi mo na maalala
Daliring hindi na makatipa
Nasisintunado wala sa tiyempo
Paulit ulit na naglalahad
Sa iyong isipan ang mga nakaraan
Araw at buwan naging taon
Di na babalik ang kahapon
Mukha na inukit ng panahon
Buhok na dating pagka itim
Paulit ulit na naglalahad
Sa iyong isipan ang mga nakaraan
Ay hindi mo na maibabalik