Kaluluwa'y binalot ng itim
Nanginginig sa lamig ng sahig
Puso't isipan nagmamanhid
Kakambal ng liwanag ang dilim
Matutong ibuka ang mga pakpak
Mula sa langit sa lupa bumagsak
Lahat ng pangarap nawasak
Sana'y di na lang isinilang
Langit' lupa'y di mapaghihiwalay
Na sa iyo ang susi ng buhay
Nagiisa sa sariling mundo na walang pakialam
And susi ay nasa iyong kamay