Darating sa punto sa buhay ng bawat tao
Na magsasawa at gusto nang sumuko
Sa dinamidaming pinagdaanan
Na masasamang mga karanassan
Sakit ng damdamin, mga kasinungalingan
Paulit ulit na pinagtaksilan
Wala pakialam kung ano na ang mangyari
Sa inyong lahat at sa aking sarili
Di ko na alam kung ano ang gusto ko
Kung puede lang ako na ay susuko
Wag mo na itanong, wala akong isasagot
Di ako masaya at di rin malungkot
Wag ka ng magbiro, di ako tatawa
Hayaan niyo na lang akong nagiisa
Pagwawalang bahala sa pagtagal
Tulad ng kalyo na kumakapal
Na bumabalot sa aking puso
Na Ngayoy kasing tigas na ng bakal
Wala pakialam kung ano na ang mangyari
Sa inyong lahat at sa aking sarili
Di ko na alam kung ano ang gusto ko
Kung puede lang ako na ay susuko
Na maglaho at ako'y mawala sa sarili
Anurin at itangay ang aking pagkatao
At ang buhay na ito ay maging manhid
Walang pakialam, walang maramdaman
Di ko na alam, ako'y namamanhid
Dapat ko bang hayaan na maglaho
Anurin at itangay at ang buhay na ito