Pinipilit kong limutin ka kahit na mahal kita
Dahil ang gusto mo ay lumayo't mapag-isa
Pagkat ito'y iyong hiling
Sana'y mayroon pang paraan
Anong kailangan kong gawin
Anong kailangan kong gawin
Upang ako'y muling ibigin
Anong kailangan kong gawin
Pagkat ang tangi kong hiling
Kung makita kang muli ang puso ko'y magbubunyi
Magtitiis ako kahit nasasaktan aking puso
Pero mahal mahal na mahal kita
Sana'y mayron pang paraan
Anong kailangan kong gawin
Anong kailangan kong gawin
Upang ako'y muling ibigin
Anong kailangan kong gawin
Pagkat ang tangi kong hiling
Kahit na maghintay pa ako
Anong kailangan kong gawin
Anong kailangan kong gawin
Upang ako'y muling ibigin
Anong kailangan kong gawin
Pagkat ang tangi kong hiling