Ang nilalaman nitong aking puso
Paano mo malalaman na mahal kita
Di ko kayang sabihin pagkat nahihiya
Umaasa parin hanggang ngayon
Ang sinasabi ng puso ko sayo
At kung sakali mang malaman mo
May pag asa ba ako na mahalin mo
Sana ay buksan mo ang iyong puso
Bigyang puwang ang pag-ibig na alay ko
Umaasa parin hanggang ngayon
Ang sinasabi ng puso ko sayo
Bigyan mo naman ako ng pagkakataon
Ang sinasabi ng puso ko sayo