LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Sikulo (2)

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Alam mo bang nasa 'kin pa
Ang una mong tula? Ah, ah, ah, ah
Parang bulong sa hangin ang boses mo sa akin
Ikaw pa rin pala, ako'y huli na ba?

Bawat melodiya sa'yo lang papunta, bumabalik sa umpisa
Kung pwedeng maulit, dasal ko sa langit, ikaw na lang ulit
Tayo na lang ulit

Paikot—ikot, nakakapagod, pabalik—balik sa mga panahon
'Pag pinakikinggan na ang musika ngayong wala ka na
Tapos na ang mga pamilyar na tonong naririnig ko
Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to
Pero uulit—ulitin ko, kahit marindi man sa 'kin ang mundo

Alam mo bang hindi pa ko makabitaw
Tatlong taon ko nang nararamdaman
Di naman tayo pero walang ibang gusto
Kasi ikaw pa rin pala, ikaw lang talaga



Tagal kong nakita, kung saan—saan napunta

Tas iiwan ka nang mag—isa

Kung pwedeng umasa, dasal kay Bathala

Sa'kin ka napunta (ikaw nalang ulit)

'Wag na sa kanya



Paikot—ikot, di mapapagod, pabalik—balik anumang panahon
'Pag pinakikinggan na ang musika kahit wala ka pa
Nandiyan ang mga pamilyar na tonong naririnig ko
Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to
Pero uulit—ulitin ko, kahit marindi man sa 'kin ang mundo

Kabisado ko pa rin mga tawa mo't tingin
'Di na mabura—bura kahit na gustuhin
Kinaya mo lang din, 'di na sana pinansin
Bawat bulong, sigaw ng iba, eh, 'di sana tayo pa (eh, 'di sana nandito ka)

Eh, 'di sana masaya (eh, 'di sana masaya)
Eh, 'di sana tayo pa, eh, 'di sana nandito ka

Eh, 'di sana tayo na
'Di sana nangamba kung ako'y mahal mo pa
Eh, 'di sana 'di hilo ang puso

Paikot—ikot, nakakapagod (paikot—ikot, paikot—ikot)
Pabalik—balik sa mga panahon (paikot—ikot, paikot—ikot)
Paikot—ikot, nakakapagod (paikot—ikot, paikot—ikot)
'Pag pinakikinggan na ang musika ngayong wala ka na
Tapos na ang kanta

Paikot—ikot, di mapapagod, pabalik—balik anumang panahon
'Pag pinakikinggan na ang musika kahit wala ka pa
Nandiyan na ang mga pamilyar na tonong naririnig ko
Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to
Pero uulit—ulitin ko kahit marindi man sa 'kin ang mundo

Paikot—ikot, nakakapagod
Pabalik—balik sa mga panahon
'Pag pinakikinggan na ang musika ngayong wala ka na
Tapos na ang kanta

Mga pamilyar na tonong naririnig ko
Ni hindi ko na matapos ang kantang 'to
Pero uulit—ulitin ko hanggang marindi man sa 'kin ang puso (mundo)

WRITERS

ANGELA KEN ROJAS, VIKTOR NHIKO SABINIANO, RALPH WILLIAM DATOON

PUBLISHERS

Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other