Tanging laman ng isipan ko ay
Ang litrato na may pangalan mo
'Di mahanap, 'di maisip kung pano nagka ganito
Isang panaginip nga ba ang lahat?
Ang mga tingin, ang mga daplis ng daliri natin
Tunay ang lahat, ng mga halik at yakap na mahigpit natin
Tunay ang lahat, ayaw kong gumising kung hindi na babalik ang panaginip
Ikaw ang kumikinang, araw ko sa'king buwan Ilaw sa dulo ng walang hanggan

Siguro naging mabilis lang tayo
Siguro hindi lang natin naisip kung saan tayo papunta
Pero sana alam mo parin kung anong nararamdaman ko sayo