LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Multi Disorder

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Teka ilan ba ang kailangan mo baka mabitin ka
Hindi ko na pa-lalalimin para naman masisid ng
Mga taong puro pang bata lamang yung na aabot
Na pag bumagsak na sa lalim ay biglang nayayamot

Libre naman pwede kahit kanino 'tong musika ko
Binabahagi kahit pag usapang fee lugi ako
Mga choosy na pangdinig dapat lang pingutin kayo
Sayo na 'yang suporta mo 'di para limusin pa boy

Mauumay ka sa bars daig mo pa yung nakulong
At baka masobrahan na parang sa droga'y lulong
Pag ako na ang narinig halata mong 'to ay gutom
Parang software na 30 days yung trial sa sobrang subok

Kala mo sobrang bubot baka ikaw yung pitasin
Ako'y parang desisyon mong mali dapat mong ibahin
Oo patpat pero malabo 'to mag fit sa lame
Dito sa game na may taon nang dumaan may week pa din

Daming mga wex taragis
Mga sakit na hindi na gumaling
Takot sa katotohanang masakit
Puro ingay eh wala namang dating

Daming mga wex taragis
Mga sakit na hindi na gumaling
Takot sa katotohanang masakit
Puro ingay eh wala namang dating

Katotohanang parang talampunay delikadong amat
Pag sumulat parang na ngangarap dedikado dapat
Sapagkat daming nag hahangad nyan bente kwatrong karat
'Wag ibahagi pag tanga dahil sa pwede 'yang kumalat

Oo parang epidemya baka nga mas malala pa
Lalo kapag sinaisip mo na'ko nakakahawa
Halimbawa ng taong nababato sa kakabatak
Ng utak pinilit pihitin kaso parang wala lang

Kamay ko sa mikropono nasasabik humawak
'Wag mo ko diktahan ng mga gagawin ko dapat
Sa mundong puno ng baboy at malalaking buwaya
Mga natulog sa musika ko ay na alimputangan

Daming mga wex taragis
Mga sakit na hindi na gumaling
Takot sa katotohanang masakit
Puro ingay eh wala namang dating

Daming mga wex taragis
Mga sakit na hindi na gumaling
Takot sa katotohanang masakit
Puro ingay eh wala namang dating

WRITERS

Rommel Jr Lumagbas

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other