Di ka yata ayos ngayon, mahal
Pwede mong sabihin sa akin yan
Kung gusto mo munang mapag-isa
Hahawakan ko ang iyong kamay
Sa'n man magpunta, ako'y sasabay
Di kailanman ako bibitaw pagka't
Pagmamahal sa'yo'y umaapaw
Tumahan na't punasan ang luha
Sa tuwing ramdam mo ang pait ng mundo
Nauunawaan ko ang iyong pinagdadaanan
Narito ako't dadamayan ka
Ayos lang kung meron pa ring pangamba
Sana'y wag mong kalimutan na
Hahawakan ko ang iyong kamay
Sa'n man magpunta, ako'y sasabay
Di kailanman ako bibitaw pagka't
Pagmamahal sa'yo'y umaapaw
Tumahan na't punasan ang luha
Sa tuwing ramdam mo ang pait ng mundo
Sa lahat ng pagsubok na haharapin
Balang araw, ikaw ay babangon din
Lahat ng sugat mo'y maghihilom din
Tumahan na't punasan ang luha
Tumahan na't punasan ang luha
Sa tuwing ramdam mo ang pait ng mundo