Padalos-dalos na naman ba sa mga desisyon ko?
Kapag pag-ibig ang usapan ay natatanga ako
Ano ba'ng mayro'n sa 'yo?
Napabalik ako kahit nagkandalabo-labo tayo
Minsan mo na 'kong nasaktan
May mga oras din tayong hindi nagkaintindihan
At pinilit malimutan ngunit 'di ko napigilan
Sa halip na lumamig ay lalong nagbabaga
Ikaw pa rin ang tinitibok, whoa-oh
Paulit-ulit mang masaktan
Maraming beses nang nabigo sa pag-ibig
Ngunit para sa ’yo, giliw, ako’y susugal muli
’Di bale na kung walang kasiguraduhan
Basta’t saan pa ’to patungo ay ikaw ang kasama
Ngayong ako ay nagbalik, ayoko nang kumawala
Ikaw pa rin ang tinitibok, whoa-oh
Paulit-ulit mang masaktan
Sabihin na nilang ako'y tanga
Ano ba'ng magagawa kung hanggang ngayo'y mahal ka pa?
Ang mahalaga, masaya tayong dalawa
Ikaw pa rin ang tinitibok ng puso kong hibang
Ikaw pa rin ang aabangan ng pusong nasaktan
Ikaw pa rin ang uuwian kasi ako'y marupok para sa 'yo