LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Kalmado, Pt. 3

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Tatlong daliri ay pakiangat sa ere, angat sa ere
Dahil kalmado ang vibe
Malapit na sa naka-aim, yeah, sa naka-aim, yeah
Dahil sa'ming gamit na style, oh-oh

'Di pa rin naman binago, ang kagustuhan na manalo
Patuloy na ginagawa ko, 'di ihihinto, 'di ihihinto
Ito na 'yung mga pangarap na sinulat lang
Kitang-kita, sakto sa'kin para bang sinukat lang

Mula sa sulok, ako'y literal na kuminang
Pero 'di na bago no'n mentalidad na kunin ang
Para sa'kin tapos ibahagi sa tumulong
Silang mga dahilan kung bakit byahe gumulong

Kahit na malabo, ngayon aking napalinaw
At 'yung bumbilya sa'king ulo buti napailaw
Na tila ba gabay sa mga naliligaw
Silbi ay pampainit sa gabing magiginaw

Kaya kapit lang, sabi ko, 'wag bibitaw
Darating din talaga, 'yung pag-asa ay lilitaw
Classic Omar, galing Pembo 'yung naririnig
Na parang hardinero, sa utak nagdidilig
Tunay din pala talagang merong aanihin
Simpleng buhay, 'di na problema 'yung kakainin

Positibong enerhiya lang dinadala
Kung merong negatibo, matik, 'di padadala
Apoy ko ay 'di hahayaan na maapula
Kumbaga magbabaga 'pag inihipan mo pa

Positibong enerhiya lang dinadala
Kung merong negatibo, matik, 'di padadala
Apoy ko ay 'di hahayaan na maapula

Tatlong daliri ay pakiangat sa ere, angat sa ere
Dahil kalmado ang vibe
Malapit na sa naka-aim, yeah, sa naka-aim, yeah
Dahil sa'ming gamit na style, oh-oh
'Di pa rin naman binago, ang kagustuhan na manalo
Patuloy na ginagawa ko, 'di ihihinto, 'di ihihinto

Yeah, uh, bago pa 'ko nag-invest sa TikTok
Madalas akong ma-check op
Wallet ko dati ay laging chine-check up
Nag-e-FL lang sa pentium four na desktop
Sa mensaheng 'to, nawa'y arok mo ang aking adhikain
Hangad ko dati makakain nang sapat ang pamilya ko
Oh, kay sarap lang sariwain
Tanong nila, pa'no mo iiwasan ang beef?
Ang tugon ko ay aking hihiwain
At 'di lang 'yan ngayon, green light ay naka-on
Kapayapaan ang pipiliin sa anumang pagkakataon

'Wag pangunahan, iindak sa'kin 'yang beef niyo na hamon
Totonohan ko pa lalo ang buhay ko kahit olats itong taon (oh, sheesh)
Sa hoodies ko ay parati 'tong lillingon (sa totoo lang)
Liliwanag ang madilim na panahon
Pero bago 'yon, lulusong ka sa gitna ng bagyo at ulambon
Ang buhay ay sadyang gano'n kaya kalmado lang

Positibong enerhiya lang dinadala
Kung merong negatibo, matik, 'di padadala
Apoy ko ay 'di hahayaan na maapula
Kumbaga magbabaga 'pag inihipan mo pa
Positibong enerhiya lang dinadala
Kung merong negatibo, matik, 'di padadala
Apoy ko ay 'di hahayaan na maapula

Tatlong daliri ay pakiangat sa ere, angat sa ere
Dahil kalmado ang vibe
Malapit na sa naka-aim, yeah, sa naka-aim, yeah
Dahil sa'ming gamit na style, oh-oh
'Di pa rin naman binago, ang kagustuhan na manalo
Patuloy na ginagawa ko

Tatlong daliri ay pakiangat sa ere, angat sa ere
Dahil kalmado ang vibe
Malapit na sa naka-aim, yeah, sa naka-aim, yeah
Dahil sa'ming gamit na style, oh-oh
'Di pa rin naman binago, ang kagustuhan na manalo
Patuloy na ginagawa ko, 'di ihihinto, 'di ihihintohihinto

WRITERS

Omar Manzano

PUBLISHERS

Lyrics © Downtown Music Publishing, JN MEDIA MUSIC PUBLISHING

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

LyricIQ Analysis

Top Emotion

Enjoyment

Sentiment
Thumbsup IconThumbsup Icon
Theme

None

From This Artist