Walang pag ibig puro talik lang namumutawi
Utak ay berde araw araw siyang lumalagare
Buhay niya'y madrama pinapatungan ng kung ano ano
Maikling palda nakasando atat makabayo
Natutong maglakad para matakasan ang gutom
Ibang lahi ang biktima sinasayawan bumubulong
Sa patay sindi na ilaw hinuhubad kanyang saplot
Naiiyak kanyang mata damdamin niya'y parang takot
Unting unting gumuho ang kanyang mundo ng iniwan
Siya nanay niya sumama sa mga kabet neto
Sinusuyod ang maynila para magkapera
Sa dayuhan kumakapit ang puhunan social media
Ang pangalan niya'y maria naliligaw
Na puta lakad lang ng lakad para maabot ang kota
Para pagdating ng araw makatakas diyan
Selda di tutulad sa kahapon at gagaya sa pamilya
Tao po, tao po! Dito po sabi nila’y may nakikinig
Tao po, tao po! Ako’y nakarating ng nakapiring
Tao po, tao po! Magpapalipas lang po ng dilim
Tao po, tao po! Pasilong sa unos na parating
Lalaban kaba kung may nakatutok na baril
Sumabog na ang aking galit tagal ko ng nag pigil
Andungis na ng ating bayan may malayang pag kitil
Sa taas ako may utang siya lang dapat maningil
Iba ang hampas ng hangin tila may gustong iparating sa akin
Kung may problema ka subukan akong kausapin
Nawawala ako subukan mo namang hanapin
Nahulog na ng malalim sa bisyo
Tila nakalimutan ng may Kristo
Baraha ko ay ayos na, kaya sige bisto
Kung problema ay ulan sanay na 'kong maligo
Nakakatuwa kinakanta nila mga mali ko
Hindi ko na dapat sabihin 'to pero kailangan ko, damhin mo ang pasasalamat ko
Kasabay ng pamamaalam mo, ang pagpanaw ang paglaya dito sa mundo
Tao po, tao po! Dito po sabi nila’y may nakikinig
Tao po, tao po! Ako’y nakarating ng nakapiring
Tao po, tao po! Magpapalipas lang po ng dilim
Tao po, tao po! Pasilong sa unos na parating
Masyadong makitid ang kaisipan ay di na Malaya
Bawat kabog sa dibdib katumbas ay bumabaon na ligaya
Sa kwartong napalibutan ng kulay pulang mga rosas
At tila nakaposas halos at di na namalayan ang lunas
Nakulong sa pait ng nakaraan panahong nabigo sa pag ibig
Ang bulong ay sakit ang naramdaman tila tulala lang gilid
Kahit na ipilit pagmamahal wala ng natitira
Solusyon sa hapdi ng dinanas sa droga, tipar nakikita nya
Nakita ang tama sa mali, sanay sa peke na halik
Pero pag asa mo ang sarili nasa iyo kung gusto mong bumalik
Ang tapik ng tadhana, oo mapagbiro, pero kaya mong basagin
Ang pagbabago di kusang dumarating dapat na hanapin
Palaganapin ang positibong enerhiyang dapat yakapin
At palipasin ang galit natin ang kailanganin ay panalangin
Habang buhay ka pa gawin ang mga bagay na maganda
Habang buhay ka pa gawin ang mga bagay na maganda
May kakaunting liwanag na naaaninag
Sinusundan ko ‘to kahit hindi na mahagilap
Makikisilong po sa unos na parating
Magpapalipas lang po ng isang dilim