Ngayong 'lam mo na kung ano lasa
Tumindig ka't simulan ang martsa
Desididong hininga'ng ipusta
Oh-oh oh-oh oh-oh-oh-oh-oh
Oh-oh oh-oh oh-oh-oh-oh-oh
Ngayong 'lam mo na kung ano lasa
Tumindig ka't simulan ang martsa
Desididong hininga'ng ipusta
Nagsimulang patikim-tikim
Ngunit pagod na 'tong mag-atabuling
Lumalakad sa daang madilim
Na para bang nagpa-patintero
'Di ko kaya iwan bukas 'yung gripo
Sa baradong lababo kaya naman
Kayamanang binaon sa lupa
Huhukayin na hanggang makita
Kung malalim 'di man alintana
Ikaw ba'y sigurado sa gagawin mo
At paano na ang mga plano
Ngayong 'lam mo na kung ano lasa
Tumindig ka't simulan ang martsa
Desididong hininga'ng ipusta
Sa'n ka nga ba dadalhin ng 'yong mga paa
Kung dala-dala mo'ng pagdududa
'Rap lang tingin basta't gawin at darating din
'Di bale nang pagong kaysa matsing
Uulan ng kamalasan at sasaluhin mo'ng lahat ng 'yan
Bago mo makuha'ng pinaka-inaasam
'Wag kang susuko pagsubok lang 'yan
'Pag ang puso na ang 'yong ikinasa
Wala nang katapusan ang bala
Sigurado pulbos ang pangamba
Imposibleng mawalan ng gana
Kahit na pilitin ka pang ibaba
Tuso lamang ang takot sa karma
Ikaw ba'y sigurado sa gagawin mo
At paano na ang mga plano
Ngayong 'lam mo na kung ano lasa
Tumindig ka't simulan ang martsa
Desididong hininga'ng ipusta
Anong problema malamang pera
Pwede bang teka kalagan mo na kaluluwa mo sa bodega
Ano bang tema ng buhay mo repa
Drama at trahedya 'di ba pwedeng maiba
Hawak mo naman ang pluma (yeah haha yah)
Ikaw ba'y sigurado sa gagawin mo
At paano na ang mga plano
Ngayong 'lam mo na kung ano lasa
Tumindig ka't simulan ang martsa
Desididong hininga'ng ipusta