Pwede ba na 'wag na lang magpahinga
Dumadapo na ang sinag ng araw sa'king balat
Pagkatok ay kumakatok na rin sa pintuan
Ngunit kung kaya ng katawan tuloy ang hukayan
Sa'king kauluhan sana'y may kayamanan
Pwede ba na 'wag na lang magpahinga
Dasal ay sana'y akin namang makamtan
'Di naman parang nagmamadali
Puyat padayon hanggang sa huli
'Yoko na mamili nang tumitingin pa sa presyuhan
'Yoko na rin kabahan tuwing araw ng katapusan
Gusto ko nang maranasang sabihin sa'king mga mahal
Sige lang kuha ka lang sige lang kuha ka lang
Kung kaya ng katawan tuloy ang hukayan
Sa'king kauluhan sana'y may kayamanan
Pwede ba na 'wag na lang magpahinga
Dasal ay sana'y akin namang makamtan
'Di naman parang nagmamadali
Puyat padayon hanggang sa huli
Alam kong lahat ng 'tong aking ginagawa'y suntok sa buwan
Kahit pa ako'y umagahin at mabali ang aking likuran
Wala namang nanalo ng damit ay 'di man lang nadungisan (yeah)
Tatalunin lahat ng balakid sa aking kaisipan
Lagi lang puyat (lagi lang puyat)
Dasal ay sana'y akin namang makamtan
'Di naman parang nagmamadali
Puyat padayon hanggang sa huli